Paano mag setup ng Self-Hosted WordPress Blog

Pang-apat na ba? oo yata. Ayun! Na-access mo ang domain mo, naka-login ka na sa wordpress blog mo at nasa dashboard ka na. Sa left sidebar ng dashboard mo makikita mo ang Menu, punta ka sa Appearance -> Themes -> Install Themes at magpalit ka ng theme o template o layout. Maaari kang mag-search sa mismong wordpress ng theme o kaya naman google ka para sa mas magagandang themes. Marami namang free themes, pero kung gusto mo ng mas maganda, dun ka sa Premium Themes.

Sa pagconfigure ng theme gaya ng paglalagay ng logo, favicon at iba pa, malalaman mo yan sa mismong documentation ng theme na gagamitin mo.

Next is ung Permalink. ito ung format ng url mo. Punta ka lang sa Settings -> Permalink then pili ka lang ng format na gusto mo. Dito sa AskPB, ang pinili kong format ay Custom Structure gaya ng makikita sa baba.

permalinks

Panglima…Plugins! Pwede namang wala nito, pero mas maganda pa rin kung meron kahit ung basic plugins lang, lalo ung pang protekta ng mismong wordpress mo sa mga hackers, spam comments. Sabi nila, mas maraming plugins mas mabigat ang blogsite mo, kumbaga mas mabagal ang loading. Kaya kung ano lang ang kailangan mong plugins, yun lang ang iinstall mo.

Eto ang ilan sa maaari mong iinstall na plugins sa wordpress blog mo;

1. Akismet – Para maprotektahan ang blog mo sa mga spam comments at spam trackbacks.

2. SEO Plugins – maraming klase nito, pero ang gamit ko All in One SEO Pack, pag naconfigure mo na maayos yan, sya na bahalang mag-optimize ng blog mo para mas madaling makita sa SERP.

3. Google Analyticator – Kung gusto mo itrack ang traffic mo, register mo ang blog mo sa Google Analytics at kunin ang code na ibibigay sayo, saka mo gamitin sa plugin na to. Plugin ito para mas madali mong maiconnect ang Google Analytics mo sa mismong blog mo.

4. Google XML Sitemap – Automatic nagke-create ito ng sitemap para naman sa mga bot na umaali-aligid sa blog mo.

5. Wordfence Security – Poprotektahan nito ang buong wordpress blog mo, makikita mo rin dito ang Live Traffic o kung sino-sino ang bumibisita sa blog mo.

6. Addthis Share Button – Eto naman para magkaruon ka ng Share Button sa bawat blogpost mo. Para pwede syang i-like, i-share, etc…

Marami pang plugins kang pwedeng iinstall depende sa kung ano ang kailangan ng blog mo. Kung sakali man, pwede kang maghanap dito http://wordpress.org/plugins/ at install mo lang sa wordpress blog mo.

Ayan! Ready ka na sa pinakaunang blogpost na gagawin mo. Punta ka lang sa Posts -> Add New at gawin mo na pinakamatinding blogpost na magagawa mo, 5000 words article kaagad para astig!

Kung may hindi ka naintindihan o katanungan na bumabagabag sa iyong puso, wag kang mahiyang magcomment, SUBUKAN MO LANG! Lol joke lang! Sasagutin ko naman hanggang sa makakaya ko.

9 Comments

  1. ariston @ moneytise July 11, 2013
    • AskPB July 16, 2013
  2. kusina101 July 17, 2013
    • AskPB July 18, 2013
      • iAn November 9, 2013
  3. Jake July 5, 2014
  4. joy November 13, 2014
  5. Tata Nong April 12, 2015

Leave a Reply