Paano Maglagay ng Feedburner Feedcount Chicklet Sa Blog

Kung ikaw ay blogger, malamang ay nakakita ka na ng Feedburner chicklet na nakalagay kung ilan ang dami ng readers. Paano nga ba ginagawa ito? Well, napakadali lang. Kung ikaw ay may Google account, pwede mo agad itong gawin ngayon.

Paano Gumawa ng Feedburner Chicklet

  1. Maglogin sa Google at pumunta sa feedburner.google.com.
  2. I-click ang iyong Feed Title.
  3. Sa Feed page, iclick ang Publicize tabFeedburner Feedcount Chicklet
  4. Sa Publicize tab, iclick ang Feedcount sa kaliwang bahagi ng page.
  5. Mamili ng Chicklet Style at Color Scheme na bagay sa iyong blog.
  6. Pagkatapos mamili, kopyahin ang HTML code at ilagay sa iyong blog. Wag kalimutan i-click ang Save button sa ibaba ng Feedcount window bago magclose ng window.

PAALALA: Kailangan munang i-Activate ang Feedcount feature ng Feedburner bago ito magamit. Kapag una mo itong ginamit, ang nakalagay sa Save button ay Activate. I-click lamang ang Activate button para simulang gamitin ito.

About the Author : Si Guillermo Bautista ay isang math and tech blogger. Sya ang manunulat ng Math and Multimedia at Guitech

One Response

  1. Rambo Ruiz August 7, 2013

Leave a Reply