Google Webmaster Tools : Sitemap Submitted but not all Pages are Indexed

Kung may bago kang blogsite, isa sa pinakaimportante mong dapat gawin ay i-submit ang sitemap mo sa Google Webmaster Tools (GWMT) para mas madali itong makita ni Uncle Google, ma-index at makita sa Search Engine Result Page (SERP). Pwede rin namang magpasa ka pa rin ng sitemap sa GWMT kung di mo pa ito nagagawa kahit pa matagal na ang blogsite mo.

siteindexPero di ka ba nagtataka na kung minsan inabot na ng ilang araw o minsan linggo pa, ay hindi pa rin naiindex ang mga pages ng blogsite mo? O may naindex man pero hindi lahat? Gaya nitong nakaraan, niregister ko ang isang blog ko sa GWMT at nagsubmit ako ng sitemap, pero kapag tinitingnan ko ang status ng blog ko, hindi lahat naiindex.

May 909 pages akong ni-submit, pero 226 lang ang naindex.

At dahil inabot na ng isang linggo ay hindi pa rin naiindex ang lahat ng ni-submit ko, sinubukan kong magtanong sa AskPB Group. At ito ang pinakadabest na sagot na nakuha ko.

AskPB Sitemap Answer

Pagkabasang-pagkabasa ko ng comment na yan, sinubukan kong tingnan ang SEO Plugin Settings ko, gamit ko ang All in One SEO Pack Plugin para sa wordpress. Naka-noindex ang Tags, Categories, Archives ng blog ko which is tama dahil yan talaga ang settings ko sa lahat ng blog ko. Ang dapat lang na pinapaindex ay ang mga blogpost, para sa akin ah di ko alam sa iba.

Check ko rin syempre ang sitemap setting ko, gamit ko naman dito ay XML Sitemap Generator for WordPress 3.4 na plugin. Ito ung naggegenerate ng sitemap na pwede nating isubmit sa GWMT. Pagtingin ko sa settings ng plugin, naka-include ang tags, categories, archive, etc.. Halos lahat nga ay naka-include pag naggenerate ng sitemap.

Alam ko alam mo na kung ano at saan ang may problema. Pero dahil hindi lang naman ikaw ang magbabasa nito, hayaan mong ipagpatuloy ko ang pagpapaliwanag.

Base sa settings ng Sitemap Generator ko, lahat ng laman ng blogsite ko ay iinclude nya sa sitemap na mage-generate. Ibig sabihin, kapag pinasa ko ang sitemap ko sa GWMT, lahat din masa-submit. Pero dahil sa settings ng SEO Plugin ko, hindi nya ina-allow na iindex ang tags, categories at archives ko.

May conflict di ba? Ang pinasa kong sitemap ay may laman na 909 pages, kasama na jan ang post, tags, archives, author archives. Pero ang inaallow lang ng SEO Plugin ko na ma-index ay ang mga post ko na 200+ .

sitemap-index-mark

To make the long story short, di ko alam kung may story ba talaga. Wala pala talagang problema sa status ng blog ko sa GWMT. Naka-index naman lahat ng kailangan kong iindex. Pero syempre dapat pa ring itama ang settings ng Sitemap Generator plugin para magkaparehas sila ng SEO Plugin ko, after nun saka iresubmit ang sitemap para tumama ang values na makikita natin sa GWMT.

Maaari rin nating pagbasehan ang mga sumusunod na sinasabi sa Google kung magkaiba tayo ng problema at hindi pa rin ma-index ang mga blogpost mo kahit pa nagsubmit ka na sa GWMT, posibleng isa sa mga ito ang dahilan;

1 . The number of submitted URLs reflects the number of unique URLs submitted in your Sitemap file, not the number of entries in the file. If Google finds a significant number of duplicate URLs, we may limit the number of URLs that we include for this count. You can resolve this issue by making sure that your Sitemap file does not contain duplicate URLs.  – Source

2. Google doesn’t guarantee that we’ll crawl or index all of your URLs. However, we use the data in your Sitemap to learn about your site’s structure, which will allow us to improve our crawler schedule and do a better job crawling your site in the future. In most cases, webmasters will benefit from Sitemap submission, and in no case will you be penalized for it. – Source

3. Please note that submitting a Sitemap doesn’t guarantee that all pages of your site will be crawled or included in our search results. – Source

  • The site isn’t well connected through multiple links from other sites on the web.
  • The site launched after Google’s most recent crawl was completed.
  • The design of the site makes it difficult for Google to effectively crawl its content.
  • The site was temporarily unavailable when we tried to crawl it or we received an error when we tried to crawl it. You can use Google Webmaster Tools to see if we received errors when trying to crawl your site.

Ayan! Sana natulungan ka ng blogpost na ito at naliwanagan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nai-index ang pages ng blog mo kahit pa ni-submit mo na ito sa Google Webmaster Tools.

SHARE mo na rin sa friends mo kung nakatulong.

2 Comments

  1. randy May 25, 2014
  2. Leo May 15, 2015

Leave a Reply