Ano nga ba ang Domain Name System(DNS) Propagation?

May nabasa lang ako sa Facebook Newsfeed ko about Domain Name System(DNS) Propagation. Naisip ko lang, siguro maganda pag-usapan to para rin maliwanagan ang lahat kung ano nga ba ito. At hindi na magreklamo kung bakit matagal ang DNS Propagation.

Ano nga ba DNS Propagation? Eto ung pag bumili ka ng Domain Name sa domain registrar gaya ng GoDaddy at Namecheap para sa bago mong blog/web site, tapos isi-set mo o papalitan ung nameserver nang domain name mo. Sasabihin sayo na maghintay ka ng 2-48 Hours para matapos ang DNS Propagation at nang makita na ng buong mundo ang website mo.

DNS Propagation

Screen grab from https://www.whatsmydns.net

Ang tagal nga naman diba? Minsan nakikita na ung website mo sa ibang bansa, pero ikaw di mo pa maaccess ang website mo dahil nga hindi pa tapos ang propagation.

So, bakit nga ba may DNS Propogation? Bakit kailangan may propagation pang maganap bago maging live ang website mo sa lahat ng panig ng mundo na may internet? Hayaan mong sagutin kita sa paraang alam ko at maiintindihan mo. Inom muna red horse!

Ayun!, Sa kagustuhan ng mga Internet Service Provider(ISP) na mapabilis ang browsing experience ng kanilang mga customer, sine-save nila ang ilan sa mga data na binisita ng kanilang customer upang sa susunod na bisitahin ito ng iba pa nilang customer ay mas mabilis nila itong maipaparating.

Para mas maintindihan, kunwari ang ISP ko ay SmartBro/PLDT, nag-internet ako at pinuntahan ko ang AskPinoyBloggers.Com. Ang gagawin ng ISP ko, kukuha sila ng kailangan nilang data sa website na binisita ko at ise-save nila locally. Tapos ung kapitbahay ko nakasubscribe din sa Smartbro/PLDT, pinuntahan nya ang AskPinoyBloggers.Com kasi gusto nyang matutong magblog, ang gagawin ng Smartbro/PLDT, gagamitin nila ung data na nakuha nila nung nagbrowse ako para mas mapabilis ang pagbrowse ng kapitbahay ko sa AskPinoyBloggers.Com.

Nakuha mo? Para sa ating mga internet subscriber pala kaya hindi instant ang DNS Propagation. Oo, para di tayo nagrereklamo na mabagal ang internet connection. Eh ano kinalaman nyan sa DNS Propagation? Simple, may schedule ang pag-update ng mga ISP ng kanilang data o cached records, every two hours, three hours, two days, depende sa ISP. Pero dahil daw sa pagsulong ng teknolohiya, posible nang mag-refresh o mag-update ang ISP kada 20 minutes.

Ang resulta, in-update mo o may pinalitan kang settings sa domain name mo tapos hindi pa nakaschedule ang mga ISP sa buong mundo na mag-update ng kanilang cached records,kailangan mo ngayon maghintay na mag-update sila nang sa ganun makuha ng mga ISP sa buong mundo ang bagong settings ng domain name mo.

Ngayon kung magrereklamo ka kung bakit matagal ang DNS Propagation, mamili ka, mabagal na internet connection o mabilis na DNS Propagation?

Source : NetRegistry

Leave a Reply