Paano mo malalaman kung tapos na ang DNS Propogation?

Kalimitan, kapag bumili tayo ng domain name at sinet natin ang nameservers na dapat gamitin ng domain name, o may pinalitan tayong settings ng ating domain name, sinasabihan tayo ng domain registrar na maghintay ng 2 hanggang 48 na oras bago mabuo ang propogation at bago natin magamit ang ating bagong domain name.

Kung suswertehin ka, minuto pa lang ma-access mo na ang domain name mo. Minsan naman, ok na sa ibang bansa, pero sa bansa kung saan ka naroon ay hindi pa dumarating ang updates mula sa bagong settings ng domain mo.

Isa sa paraan para malaman kung tapos na ba o nabuo na ang propogation ng iyong domain, bisita ka dito http://www.whatsmydns.net/ . I-type mo ang iyong domain name at sa dropdown, piliin ang NS at pindutin ang Search button.

DNS Propogation Check

Ipapakita sayo nito kung ano na ang gamit na nameservers ng iyong domain. Malalaman mo kung ang bagong nameserver na isinet mo sa iyong domain ay umepekto na. Malalaman mo rin kung saan-saang bansa na ang sinakop ng propogation. Sa ganitong
paraan, alam mo kung dapat mo nang gamitin at i-update ang domain mo.

Leave a Reply