Paano Palakihin ang Earnings sa Blogging Gamit ang Facebook?

facebook boost

Posible nga bang mas lumake pa ang kinikita mo sa blogging gamit lang ang Facebook? Para sa akin, Oo. Maraming paraan gaya ng pag-SEO ng iyong blog upang mas madali itong makita sa mga search engines, pero paano kung di ka ganun kaalam pagdating sa SEO? Ang alam mo lang ay sumulat, mag-facebook, kikita ka pa kaya?

Tulad ng sabi ko, posible mong palakehin ang Adsense Earnings mo sa blogging gamit lang ang Facebook.

Paalala, alam ko pwedeng kumita gamit ang facebook ng hindi gumagastos, ang artikulong ito ay para lang sa mga kapos pa sa likers ng page nila. 

Ano-ano ang mga kailangan para kumita sa blogging gamit ang facebook?

– Blog na may mahigit 10 artikulo na may tig-300 mahigit na salita kada artikulo

– Google Adsense

– Facebook Account, facebook page

– Paypal o credit card

– 5 Dollars o 210 pesos

Bakit kailangan ng Paypal o credit card at may pera pa? Minsan kailangan nating maglabas kahit kaunting barya para kumita ng mas malake. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay libre nating kikitain ang lahat-lahat.

So, kung meron ka na nyang mga yan, simulan na natin.

Una, bilang blogger na may adsense mas maganda kung kada publish natin ng article, pinopromote natin ito sa facebook page natin. At minomonitor kung marami bang nagkakagusto sa artikulong ginawa natin, malalaman mo yan sa Google Analytics o iba pang tools na pwedeng makita ang number of views ng mga article natin. Dapat imonitor din natin kung magkano ang kinikita nito sa Adsense. Sa ganitong paraan malalaman mo kung ano ang article mo na nagustuhan ng Facebook Page Likers mo at kung mas kumikita ba yung article na un kumpara sa iba mo pang artikulo.

Kung alam mo na kung ano ang artikulong magugustuhan ng mga tao at posibleng kumita, ito ang i-boost mo sa facebook page mo. Sa pag-boost ng post sa Facebook page, dito mo na kakailangan ang Paypal o credit card mo, at yung $5 mo.

Post mo ung article mo sa Facebook page mo, tapos i-boost mo ito. Maglaan ka ng $5 para sa isang buong araw. I-set mo ung target audience mo. Ako madalas Philippines ang target ko, ang Pinoy kasi kapag nakita nilang ok ang article, magla-like yan, kung minsan magko-comment o mas matindi ise-share nila ung post mo. Mas malawak ang magiging reach ng post.

So, ayun! Dahil alam mong magugustuhan ng tao ung article mo, at alam mong mas kikita ito kumpara sa ibang article, yang article na yan ang iboost mo sa facebook na posibleng dumoble o magtriple ang kinikita mo sa Adsense.

Sana nakatulong. Balik ka kung ginawa mo ito at kumita ka, icomment mo sa baba ang experience mo. Kung di ka kumita, wag ka na bumalik hehehe, joke lang.

Update lang – Baka sabihin ng iba tsamba lang. Nag-boost uli ako kagabi, paggising ko eto na ang resulta, halos kalahati pa lang ng $5 ang nagagastos pero may $19+ na earnings.

sept 9 earnings

31 Comments

  1. Michael September 4, 2014
  2. Calvin O. September 4, 2014
  3. Ishmael F. Ahab September 4, 2014
  4. Fernando Lachica September 4, 2014
  5. Otakore Literantadodist September 4, 2014
  6. Saj Kamid September 4, 2014
  7. Shiela Santiago September 4, 2014
  8. John September 9, 2014
  9. morningcoff33 September 25, 2014
    • AskPB September 26, 2014
  10. athena September 26, 2014
  11. yuan26 November 11, 2014
    • Shaun March 31, 2019
  12. Athena Tria February 9, 2015
  13. Leo May 13, 2015
  14. Pro Blogging Academy June 16, 2015
    • AskPB June 16, 2015
  15. Tips ni Katoto July 12, 2015
    • ziah August 5, 2015
      • AskPB August 5, 2015
        • teoderic alanes September 11, 2016
  16. OPM Songs May 12, 2016
  17. iAmPilipino June 1, 2016
  18. poch December 16, 2016
  19. Bryan Ramirez Degamo March 12, 2017
  20. FunPinas June 19, 2017
  21. Paul November 17, 2017
  22. Chiona Maria Dalisay February 18, 2018
  23. Kurt August 25, 2019
  24. king January 13, 2021

Leave a Reply