Ito lang po ung GUIDE na sinunod ko nung nilipat ko lahat ng blogpost ko from year 2008 hanggang 2011 papunta ng wordpress.
Ang naging problema ko lang, ung mga images sa blogspot hindi ko naexport sa wordpress(host) ko, kasi ung mga images sa blogspot nakahost sa picassa pero ok lang kasi kung titingnan mo ung mga blogpost na naexport sa wordpress eh andun ung mga images, yun nga lang kung titingnan mo kung ano url address ng image eh nasa picassa pa rin.
After exporting pwede mo delete ung mga blogpost mo sa blogger para hindi duplicate at hindi magalit si Big G. Wag mo lang burahin ang account mo sa blogger para hindi mawala ung mga images ng dati mong blogpost, under yata kasi ng google ang picassa at blogger.
Ayun! Di ko lang sure kung may ibang guide para maexport lahat kasama ung mga images…pero sa ngayon ok na kasi ung blog ko kaya di ko na problema yun 🙂
At nga pala, ung mga sunod na blogpost mo sa bago mong blog sa wordpress, lahat ng images nyan nakasave na sa host mo syempre.
Update : Gumagana na raw ung Import Images nung link na bigay ko, so pwede nyo na maimport pati ung images from blogspot to wordpress.