Paano Mapapataas ang Earnings sa Adsense

TRAFFIC! TRAFFIC! TRAFFIC! TRAFFIC! TRAFFIC!

Yes! Kailangan mo ng maraming traffic o views para kumita ng malake sa adsense. Pero may paraan namang iba para kahit kaunti ang traffic ng blog mo ay malake pa rin ang kikitain mo. Narito ang ilan sa mga alam kong paraan, sana makatulong.

adsense revenue

  • Gumamit ng keywords na mataas ang CPC o Cost per Click, paano? Gamit ka Google Keyword planner para makahanap ng keywords na mataas ang CPC.
  • Imbes na Pilipinas ang target audience mo, targetin mo ang US, Canada, UK. Kada click nyan mataas ang CPC, pero syempre depende pa rin sa ads
  • Experiment ka. Try mo ilipat ang adsense ads mo, mas malake ang posibilidad na tumaas ang earnings mo kung nasa taas ng blog mo ang ads mo.
  • Experiment uli. Try mo rin paglaruan ung ads mo, color, size, type ng ads (link o image)
  • Sa experiment syempre need mong imonitor ng ilang araw ang earnings mo kung may magbago, kung ano sa tingin mo da best na placement, size, color, type ng ads, at kung saan ka mas kumikita, yun ang gamitin mo.
  • I-block mo ung mga advertiser na mababa ang CPC, nasa google adsense dashboard din yan, hanapin mo lang.
  • Sabi nila mas kaunti ang number of ads mas malake ang kita, sinubukan ko hindi naman. Pero siguro dahil saglit ko lang sinubukan, mga 1 week lang, dapat daw mga 1-2 month hanggang sa mapansin ng advertiser na kaunti na lang ang kakumpetensya nila sa blog mo. Saka nila iangat ang bid sa ads na nasa blog mo.
  • Pag-aralan mo ang SEO, malake maitutulong nito sa traffic ng blog mo, at pag dumami na ang views ng blog mo, kasabay na nyan ang paglake ng earnings mo.

Yan na lang muna, ulitin ko, hindi ako expert sa ganyan, share lang ng experience ko para sa mga gustong matuto 🙂

One Response

  1. PAO May 13, 2020

Leave a Reply