Paano magsimula ng blog na siguradong di magsasawa kahit lumipas man ang ilang taon?

girl-791177_640

Sa panahong ito, ang pagba-blog ay di na lamang pang “past time” na gawain o pagsusulat na parang pang-diary. Maraming tao na ang naging matagumpay sa larangan ng pagba-blog at normal na lamang sa kanila ang kumita ng malaking halagang pera.

Subalit sa kabila nito, hindi hayagan na mas maraming blog ang ni hindi man lang marating ang isang taon ay naaabandona na.

Naisip mo na ba na sa bawat blog site na naitatayo kada segundo, ilan dito ang aktual na mararating ang unang taon ng pagkakatatag nito? Paano pa kung ilan ang mga blog na aabot ang buhay sa kalahating dekada?

Ayon sa pag-aaral na nabasa ko, maliit na porsyento lamang ang magtatagumpay sa hangarin mag-blog. Ibig sabihin, ang pagba-blog ay hindi para sa lahat ng tao.

Madalas, ang mga blogsite na ito ay mawawalan ng aktibidad sa loob lamang ng anim na buwan, bagamat ‘’live online” subalit wana na itong gawain o kilos, natural upang maituring itong “dormant” o hindi na lumalago.

Dito nagbibigay daan sa isang pang-matagalang tanong – Paano ba magsimula ng blog na siguradong di pagsasawan kahit matapos ang ilang taon?

Hayaan mong sagutin ko ito sa tatlong puntos lamang.

Una. Silakbo ng damdamin muna, bago hangarin ang perang kikitain – sa ingles, “Passion before money.”

Madalas mo itong naririnig sa mga taong matagumpay at maunlad na sa industriyang ito. Subalit, marami paring itinatanggi ang katotohanan. Mas madalas, pera kaagad ang hinahangad.

Dahil dito, mas pinagtutuunan ng mga bloggers ang pagsusulat ng mga paksang sa tingin nila ay mas kikita ng pero kahit na ito’y walang interes sa kanila o wala ni ano mang akmang karunungan.

Ang sinusundan kong sikat na blogger na si Darren Rowse ay nagsimula lamang na mag-blog ng kanyang kinahihiligan: photography. Ang higit na hangarin nya noon ay matuto pa sa pagkuha ng mga litrato at ibinabahagi nya ang karunungang kanyang nalalaman sa blog.

Dumaan ang ilang araw hanggang napansin nya na maraming tao ang bumibisita sa kanyang blog, isang malalim na dahilan upang pagkakitaan na nya ito.

Kaya nga’t ang una kong payo sa mga bloggers upang ang blog nila ay mabuhay ng maraming taon, siguraduhing “passion” nila ang “topic” na pinaplanong isulat.

Ikalawa. Gumawa ng personal na hakbang upang magkaroon ng malawak na pagkukunan ng idea.

Kung ano ang iyong binabasa, pinakikinggan, o pinapanood, ay sya ring iyong magiging. (You are what you read, listen or watch). Kung ano ang laman ng iyong kaisipan ay sya ring magiging kalalabasan ng iyong blog.

Kung baga – ano man ang “input”, natural lamang na ito ay may kaugnay ng “outcome”.

Dahil dito, nararapat lamang na patuloy ang iyong paghahanap ng karunungan sa iyong “topic”. Maging mapanuri sa mga pinakahuli at pinakabagong ideya sa iyong paksa. Higit pa rito, panatilihing laging uhaw sa mga impormasyong mag-papaunlad ng iyong blog.

Mag-saubscribe sa mga “website” na nauukol sa paksa ng iyong blog, mag-research, o di kaya nama’y mag-enroll sa mga “free online courses” upang maitaas ang kasanayan.

Ikatlo. Pagtibayin ang ambisyong magtagumpay ng may katalinuhan.

Noong ako’y magsimulang mag-blog, ako man ay nagkaroon ng mga pagkakamali. Masyadong akong nasilaw sa mga kwento ang mga “successful bloggers”. Ako’y naging padalosdalos at walang pag-paplano.

Sa halos limang taon ko nang pagba-blog, higit sa sampung blogsite na ang aking na-abandona. Kagaya ng mga nauna ko nang naimungkahi, wala akong “passion” sa mga paksa, o walang sapat na karunungan, dahilan upang mawalan ng gana sa pagsusulat kapag nabu-burn out na o nahihirapang abutin ang mga “goals”.

Ganun paman, ang mga pagkakamaling ito ang siyang nagbigay daan upang ako’y matuto. Sa ngayon, bagamat hindi pa ako “full-time blogger”, ako’y kumikita ng sapat at karagdagang halaga sa regular na sinasahod ko sa isang BPO company.

Simple lamang ang adhikain ng aking blog, magkaroon ng isang komprehensibong “directory”ng mga business sa Pampanga. Upang sakaling ako’y maghanap ng isang mapuputahang “restaurant”, sa blog ko ito mahahanap. Ako ngayo’ nag-eenjoy na magsulat sa mga karanasan ko sa aking probinsya.

Panghuling pananalita.

Sa susunod na maisipan mong magsinula ng isang blog, manawaring ikonsidera ang mga tatlong bagay na natunghay ko sa artikolong ito.

At kung nais mo namang mapaunlad ang iyong karunungan sa pagba-blog, bisitahin mo lang din ang Pro Blogging Academy site.

Sa iyong tagumpay,
Louie Sison

19 Comments

  1. Ian June 20, 2015
  2. Mars June 27, 2015
  3. kalikotpepot June 28, 2015
  4. https://Twitter.com July 22, 2015
  5. ziah August 6, 2015
  6. ritz November 5, 2015
  7. Joey July 2, 2016
  8. Coalesceideas July 24, 2016
  9. jrexplorer October 6, 2016
  10. Rommel Mercado January 28, 2017
  11. Pete gabriel April 18, 2017
  12. Francis May 5, 2017
  13. Marissa Roque May 26, 2017
  14. Kurt Lhee March 1, 2018
  15. Paul May 20, 2019
  16. Paul June 1, 2019
  17. Kurt August 25, 2019
  18. Lalaine January 12, 2024

Leave a Reply