Paano Kumita sa Blog?

Ayun! Paano ka nga ba kikita sa blog mo? Hindi ako expert, gusto lang mag-share at makatulong.

get paid to blog

Paano ka nga ba kikita sa blog?

Ganito yan, dapat syempre may blog ka. Pwede namang tagalog, pero mas maraming paraan para kumita kung english ang content ng blog mo.

Narito ang ilan sa pwede mong gamitin para kumita sa blog. Pero banggitin ko lang yung mga nagamit ko na at pinagkakitaan ko na.

  1. Adsense
  2. Instant Article/Facebook Audience Network
  3. Taboola
  4. MGID
  5. Sponsored Post
  6. Affiliate

Ano naman ang iba-blog mo?

Pwede ka magsimula sa personal blog para lang maging pamilyar ka kung paano magblog at gamitin ang platform na napili mo. Kung sa tingin mo kaya mo na, isip ka ng isang topic na sa tingin mo ay hindi ka mauubusan ng isusulat kahit pa dumaan ang maraming taon. Yung topic na alam mong hahanapin ng mga tao. Kung kaya mong makaisip ng topic na pwedeng matarget ang isang grupo ng mga tao, mas ok.

May example topic ka ba na pwede naming isulat?

Meron syempre! Pwede kang magfocus sa Travel gaya ng karamihan ng andito sa group. Kung mahilig kang maggala, isulat mo lahat ng nakikita mo at naeexperience mo, wag mong kalimutang magpicture. Kung nasa bahay ka lang, pwede kang magsulat about Home Improvement, isulat mo lahat ng ginagawa mong pag-aayos sa bahay.

Marami pang topic actually, pero kayo na mag-isip!

May topic ka na, ready ka na magblog, saan ka magbablog?

Kung kapos sa budget, pwede ka namang magsimula sa Blogger.com, libre yan, wala kang gagastusin para makapagblog. Pero kung may budget ka naman pasok ka agad sa Self-Hosted WordPress para professional agad ang dating!

Wag kang magblog sa wordpress.com, bukod sa limited ang pwede mong gawin jan, baka mahirapan ka pang imonetize ang blog mo.

Kasabay ng paggawa mo ng blog, gawa ka na rin ng Facebook Page, Twitter Account, Reddit Account, Pinterest account at marami pang account kung kaya mo. Ano gamit nyan? Para kung may article ka na, ipost mo ung article mo jan sa mga social media account mo. Isa yan sa magiging source mo ng traffic. Isa yan sa paraan para makahatak ka ng readers ng isinulat mo.

Ano ang sunod mong gagawin?

Syempre magsulat! Sulat ka lang ng sulat, minimum of 300 words per article ayos na, mas mahaba mas maganda. Kada matapos mong article ipost mo rin sa mga social media accounts mo, tag mo mga friends mo para makita nila ung post mo at mabasa ang article mo. Wag mo solohin ung isinulat mo, hindi ka kikita nyan.

Paano nga ako kikita sa blog?!

Hindi pa ba nasagot? Sorry naman 😀 Kung nakasulat ka na ng mahigit 20 articles sa blog mo at sa tingin mo may mga nagbabasa naman ng isinulat mo bukod sayo, lagyan mo ng Privacy Policy Page ang blog, Disclaimer, About Us, Contact Us at Sitemap. Malamang alam mo na gawin yan kung naka-20 articles ka na.

Apply ka ngayon sa adsense for example. Hindi madaling maapprove jan pero pag sinuwerte saglit lang approved ka na. Habang ine-evaluate ni google o ng pinag-apply-an mong ad network ang blog mo, sulat ka pa rin ng sulat, wag kang hihinto.

Pag naapprove ka na sa pinag-apply-an mong ad network, umpisa na ng…hindi pagyaman, umpisa na para madismaya ka sa kinikita mo sa blog. Opo, ganun talaga, hindi nadadaan sa madalian ang lahat, Swerte mo na lang kung maka $100 ka sa isang buwan. Pero eto ang good news, habang tumatagal ang blog mo, dumarami ng dumarami ng dumarami ang nabgbabasa ng blog mo, lumalake ng lumalake ng lumalake ng lumalake ang kinikita mo. Ngayon kung tumigil ka sa pagbablog dahil nadismaya ka sa kinita mo sa mga unang buwan, hindi ko na kasalanan yan. Sinabihan na kita, hindi ganun kadaling kumita sa pagbablog. Kailangan mo ng sipag, tyaga, at pasensya.

Ako, nag-umpisa sa personal blog, nung nalaman kong pwedeng kumita sa blogging kahit hindi ako marunong mag-english, gumawa ako ng paraan para magkaruon ng blog na english. 1 year mahigit bago ako sumuweldo sa adsense, mantakin mo yun? 1 taon mahigit ang ginugol ko para lang maabot ang $100 na threshold ni google.

Nung sumuweldo na ako ng $100, ang sumunod na sweldo ko sa adsense ay after 3 months, tapos nun monthly na akong sumusweldo. Natutunan ko na rin yung ibang paraan para mamonetize ang blog ko. Paminsan-minsan may kumokontak sa akin para sa sponsored post. Ininvite na rin ako ng Taboola para maging publisher nila, ganun din ang MGID.

Ayun! Sana may makuha kayo kahit mahaba. At sana nakatulong sa mga gustong kumita sa pagbablog.

Leave a Reply