Kung mapapansin nyo bago ang layout/theme ng AskPB, nakakasawa kasi ung dati, masyadong simple. Oo, mas gusto ko ung simpleng theme, kaso ung Twenty Twelve na theme ay sobrang simple naman kaya ito nagpalit muna.
Kaso nagkaruon ako ng problema pagdating sa thumbnails ng bawat post. Naalala ko wala pa lang mga thumbnails ung mga post ko dati pa, kasi di naman hinihingi ng theme na gamit ko at naisip kong wag na lang lagyan pampabilis ng load ng site pero eto nga nagpalit ako ng theme at kailangan nang magkaruon ng thumbnail. Problema ko, yung mga old post walang thumbnail, kaunti pa lang naman ang post ko pero mahirap isa-isahin yan ah para lagyan ng featured image kada blogpost. Kaya hanap ng plugin na pwedeng mag-automate nito.
Nakita ko ang Generate Post Thumbnails na posibleng maging solusyon sa problema ko. Sabi sa plugin site, 2 years na raw hindi naa-update ang plugin at wala ang support para dito. Pero eto, sinubukan ko pa rin.
Plugin Download, Install, Activate! Then punta ka lang sa Tools -> Generate Thumbnails tapos set mo lang ilang parameters at click Generate Thumbnails button.
Ayun! nung natapos ang generation ng thumbnails, pag-check ko ng homepage ng AskPB, ayos na. May mga thumbnails na kada post. Ang problema, yung ibang post ko wala talaga syang image, so walang maiseset ng featured image para sa post na un. Pero ok lang. Madali na un.