Sa 4 years ko sa blogging marami na rin akong nakasalubong na blogero’t blogera. Mula personal blogger o ung nagsusulat lang para mailabas ang mga bagay na hindi kayang bigkasin ng kanilang bibig, hanggang sa mga blogger na nagsusulat para kumita ng dolyar.
Marami na rin naman ang kumikita sa pagbablog, yung iba inaabot ng $5,000 o mas mataas pa sa isang buwan at ung iba naman halos di makaabot ng $5 sa isang buwan. Sa pag-iikot sa net, mas makikita mo ung mga bloggers na kumikita ng higit pa sa $100 sa isang buwan, bihira ang blogger na pinapangalandakan ang kinita nyang $3 sa loob ng isang buwan, kaya naman etong mga nag-uumpisa pa lang sa blogging ay naeengganyo at nagtatanong kung paano nga ba sila kumikita ng ganun kalake dahil lang sa pagsusulat.
Paano ka nga ba kikita sa pagbablog? Ang tutuo, maraming paraan. Ang mahalaga ay alam mo ang ginagawa mo, gusto mo ang ginagawa mo at mahaba ang pasensya mo. Kasi hindi ka naman kikita sa loob lamang ng isang gabi, mabilis na ung 1 buwan, ung iba nga inaabot ng taon.
Ilan sa mga paraan kung paano ka kikita sa pagbablog ay ang mga sumusunod;
1. Google Adsense – Sikat to sa mga nag-uumpisang blogger, marami rin kasi talagang kumikita sa adsense. Isa itong Advertisement Network kung saan pwede ka mag-apply kung may sarili kang blog. At ilagay ang code nila sa blog mo at sila na ang bahalang magdisplay ng ads depende sa kung ano ang laman ng blog mo. Kikita ka sa Adsense kung maraming bumibisita sa blog mo at kung ang mga bisita mo ay magkakainteres na iclick ang ads na dinidisplay ng Google Adsense sa blog mo. Maaari kang mag-apply sa Google Adsense kahit ilang araw pa lang ang blog mo, basta may sapat nang content ang blog mo.
2. Paid o Sponsored Post – Eto naman ung mga blogpost na may link papunta sa isa pang website. Kalimitan nagbibigay nito sa mga bloggers ay ang mga kumpanyang may website o blogger din tulad natin na gustong magpataas ng rank ng kanilang website o gusto lang mag-advertise. Binabayaran nila ang mga bloggers para gumawa ng isang artikulo o blogpost tungkol sa kanilang website, o kaya naman blogpost na tungkol sa product na binebenta ng isang online store. Dito naman, kailangan sikat na ang blog mo, dapat mataas na ang rank bago ka makakuha ng Paid o Sponsored Post.
3. Sell Products – Pwede ka rin namang magbenta ng sarili mong produkto sa pagbablog, gaya ng ginagawa ng iba sa Multiply. O kaya naman kung may serbisyo kang gustong i-offer sa iba, pwede mo itong gawan ng blogsite para mahanap at mabasa ng mga nangangailangan. Isa sa halimbawa ng serbisyong pwede mong i-offer online ay ang Article Writing kung saan babayaran ka nila para gawan mo sila ng article.
4. Affiliate Program – Eto naman dapat may karanasan ka na sa Internet Marketing, di rin kasi madaling kumita dito kung nag-uumpisa ka pa lang. Eto kasi yung kailangan mong magbenta ng products ng iba. Halimbawa na lang ang Amazon.Com, isa yang online store, pwede kang mag-apply sa kanila as Affiliate. Kikita ka dito sa pamamagitan ng kumisyon. Kung may blog ka, pwede kang gumawa ng blogpost about sa product na binebenta sa Amazon at kapag may nakabasa ng blogpost mo, naging interesado sa product at nagpunta sa mismong Amazon para bilhin ang mismong produkto, dun ka makakakuha ng kumisyon.
Ilan lamang yan sa paraan kung paano kumita sa pagba-blog. Wag nating isipin na agad-agad kikita tayo, kailangan dito ay pursigido ka, alam mo ang ginagawa mo at gusto mo ito.
Hindi na pala nasagot ang title ng blogpost na ito lolz .. Pero yun talaga ang balak ko, hindi sagutin at hayaan na kayo ang sumagot sa tanong na yan.
Kung ikaw bibigyan ng pagkakataon para makapag blog, ano ang gagawin mo sa loob ng 6 months para kumita?
At after so many years nasagot ko na rin kung paano kumita sa blog, click mo lang to: Paano Kumita sa Blog?
isa ako dun sa unang klase ng blogger, yung may mga bagay lang na hindi masabi kaya nasusulat na lang. pero kung ako ang tatanungin kung ano sa tingin ko panu kumita ng pera. I would rather do what the news paper does, they would go around businesses and suggests to that they needed you to advertise their business online. Baguio city is a tourist destination and with a lot of bars competing with each other to be the well loved one they could use you to make it happen (or at least be able to make them believe that they need your service) but of course you have to prove to them that somehow you really have the ability (make them believe you have). just like any method these would need really some times to build but I’m sure it will lead you to having free beers and maybe even VIP table in the future. a good writing skill and a good lip service is all you need. downside though is that your range is just local and you wont be making green bucks I dont think it matters though if the money is good 🙂
🙂
Thank you po para sa opportunity na to Sir Charlie. Isa po ako sa mga baguhan at wala pang selfhosted na WordPress site pero sasagutin ko muna po ang tanong nyo. Una po, content po ang concern ko. Anything na makatutulong po sa iba ay isusulat ko as long as it’s legal. Second concern ko po ay ang Adsense. Aaaminin ko po na yun talaga ang target ko at umaasa ako na kung magpofocus muna ako sa content ko then Adsense approval will follow. Social media po ang main source ng traffic ng site ko since bago pa lang po ito. Kung magkakaroon po ako ng Adsense within 6 months, ang una ko pong gagawin ay ang iwasan ang ma-banned. Pagkatapos po ay mag aaral ako ng SEO at magdadagdag pa ng websites. Sa ngayon po nagbablog ako para i-express ang sarili, para matuto magsulat at upang makapagbigay ng impormasyon sa ibang tao at umaasa ako na sa susunod na 6 months ay kumikita na rin po ako gaya nyo. Salamat po uli Sir Charlie. God bless.
I’ve been blogging since 2008 under Coffee With Kim, which I closed and merged with Mom On Duty (bad idea because the blog was already PR1 – I had no idea about page ranks then). In my almost 5 years of blogging, I never really took interest in earning from it… until now.
My 6-month plan (which I have recently started) is to publish content on a daily basis (hopefully kayanin). I’ve also started being active in various groups like Mom Blogs Philippines and Filipino Bloggers Worldwide where members help each other increase traffic and improve the overall blogging experience. I am also getting invited to more and more events, so I make it a point to attend those events so I can market my blog there as well.
So far, that’s what I have in my plan. The next step is really paid hosting.
Hi sis! Can I ask paano ka na invite sa mga events? May nag i email ba sayo? Thanks!
mahirap po ba mag blogging ?
Thanks for the opportunity. I am a traveler by heart, blogging comes into place because of the fast pace tech that we have right now. I used to write all my thoughts, feelings and precious memories in an old school diary notebook., but since we have the so callled www to keep those online without the danger of getting lost along the way, i started jotting it down. Ive been into blogging since 2009 and My aim is to influence people through my experiences and show them thatbwe can always have fun even if we are working and we can always create a sense pf work and life balance. Since ive heard that we can also get something out of it, i got interested. I tried checking a lot of ways on how to earn but everything fails because of one thing that i need is a paid host to make it more professional and legal as what people calls it. A lot of my friends are checking my posts because they always get some really good tips for traveling esp for a girl like me. On top that, i get to make ITs for their trips.
I joined the blogging world or blogosphere to publicize my thoughts and ideas. I never had any idea to earn from blogging for what I wanted is to write. But later, I was invited to join a group of bloggers and I never did hesitate. There I regularly visited their blogs and observed their blog, its style, its platform, and I got interested the ads on their blogsites. So I wanted to have my own domain and being hosted independently. I spent my own money to buy a domain through the help of an experienced lady blogger.
It took me a year to earn a meager income from blogging. It was one of the bloggers who invited me to write for a certain topic and she paid me as per bid she gave me. Then, some net advertisers requested me to write for them, a review of their product and I was paid. Also I joined with paid-to-write site with a number of words required to write and I was paid.
With these experiences I have had, I learned, therefore, three things why I earned, why I was paid by writing blogs, though my niche is mixed or general. I was very happy that I earned an extra money. These three principles are as follows:
1. Writing a quality blog. This includes, of course, the mechanics in writing like grammar, spelling, logic, and relevancy of the topic.
2. Interacting with others like networking and writing review. Joining with legitimate group of writers, bloggers, among others and sharing to social media.
3. Nurturing the site or the blog. By writing regularly, updating it and by observing net etiquette.
In short, it is a WIN principle, I personally observe and in return I earn a little. My blog is patronized, liked and followed by others. And besides, I have to maintain my integrity as a writer. I should be true to myself wherein honest is my guiding and working virtue.
Hey may i know whats the name of your group you joined with.?
Sa akin $3 lang halos per month or less. Di naman career mode e. Parang tamang palipas oras. Pero syempre, ok kung mas malaki. Saka purely Google Adsense lang.
hi guys ,pwede nyo ba ako matulungan???paumpisa pa lang po ako at gusto ko matuto sana…
Hi rica kauumpisa ko pa lang rin. Magtulungan tayo palitan ng info. Mas makakatulong satin dalawa
hi! 2015 pa pala to pero sana mabasa nyo. gusto ko din magstart kaso blanko ako kung pano. I hope you can help me. cutemogelai@yahoo.com
Hi gusto ko join..I’m a photographer by ?.
Hi po pede pong pahelp . Bago pa lng po ako as a blogger. Ano po ba dapat ko pang gawin. Salamat po
Nag Start ako mag Blog since 2010 pero mga Black Hat (mga tipong underground, bawal kasama ng mga legit na pagkakaperahan kagaya ng Adf.ly at marami pang iba), mga blog kagaya na lamang ng pamagat ang keyword. ilan sa mga naging blog ko ay Superman-movie-download. BS.C pero natanggal dahil tadtad ng link sa articles nya. kung gagayahin mo siya i suggest “huwag nalang ” . until na discover ko ang ADSENSE nakasama ko na siya 4 months ago.
Ang sabi ng iba naka pay out na sila ng more than 1000$ a month, woow !. pero lahat na ata ng napagtanungan ko , sa mga successful na sa larangan ng blogging nag start din sila sa kakapiranggot na kitaan. mapa foreign o Pilipino Bloggers pare parehas ang mga unang experience nila, kung kumita ka ng 1000$ sa unang buwan mo masasabing magaling ka o gifted ka sa larangan na ito, pero kung kumita ka dahil pinairal mo ang pagka gahaman mo ” i suggest wag nalang” .
Bakit ? dahil kung magician ka sa entablado, masasabi nating “wizard” ang mga namumuno sa pinagkakakitaan mo. kung ihahambing sa mga games na kinahihiligan ko, magsimula ka sa Novice, magpakahirap ka para maging Magician, magpakadalubhasa ka para maging high level magician. at take note, kahit high Jobs level ka pa kung wala ka rin lang SKILLS, paano ka kikita? sa madaling salita, magbasa, mag aral, makinig at galingan mo ang pag ba blog para masabing dalubhasa kana dito.
Walang nakukuha sa madaling paraan, isa alang alang mo rin na ang blogging ay hindi para kumita lamang, kundi magbigay ng impormasyon sa mga visitors mo. hindi rin ito isang test na kung wala kang maisulat kukupya ka na lamang sa pinaghirapan ng iba. may napayuhan na ako, at marami narin ang nagpayo sa akin, at dahil dito nagsisikap akong mapabuti ang mga blog ko, na sa pagdating ng panahon umaasa ako na aanihin ko sa sarap ang pinaghihirapan ko ngayon.
Ang blogging ay isang paraan para magsulat ng mga bagay bagay na nasa isipan natin at gusto natin mabasa din ng iba. post ng post, sulat ng sulat ika ng isang kaibigan ko dito sa blogging (feat. ASKPB) at wag isipin na kumita dahil frustration/ frustrated lang ang kakalabasan. mahalin mo ang pag bablog, dahil pagdating ng araw mamahalin ka rin ng blog mo..
Pasensya na, napahaba sir Charlie, wala man ako na isagot na tama o na tackle man lang sa topic mo, gusto ko lang sabihin ang nasa puso ko. ito po kasi ang karanasan ko. naalala ko ang isa sa paborito kong movie “3 Idiots ” , isa sa mga kataga na tumatak sa isipan ko sa palabas na iyon. ” hindi na kita tuturuan sa larangan na ito dahil eksperto ka na dito , pero tuturuan kita kung paano magturo” -Chanchad.
Kung ako ang bibigyan ng chance para makapagblog at kumita within 6 months? Kung ang reason ng pagbablog ko ay para kumita, siguro, unang una kong gagawin ay magresearch muna kung paano yung iba nakakapagblog at kumikita ng malaki. At dahil wala pa kong alam kundi blogspot or wordpress na libre, dun muna siguro ako. Syempre, hanap ng theme na maganda at title, depenede sa kugn ano nag mga isusulat ko, I have to do that in a months time, araw, arawin ko ang pagpublish ng articles, then apply ke Adsense pag naka 30 posts na in English syempre with 300 up words. Malalaman mo naman ang gusto ni Adsense, base na rin sa paggoogle search. At hintay hintay maapprove ni Adsense, mga one one din diguro, sulat ulit while waiting. Siguro naman kung matyaga ka in two months makakapag adesnes ka na at marami ng posts. Sali lang sa mga bloggers group at forum para may matutunan pa at makakuha ng idea kung paano pa kumita. Pag may nagahahanap ng writer, contact lang or maging ghost writer para dagdag kita rin. Pag ganyang baguhan at wala pang mataas na stat., expected mo na na walang kukuhang company or DA para bigyan ka ng tasks. So try mo online job like sa odesk, etc., maging ghost writer kagaya ng nabanggit ko na. At pag may nabasa kang nag ooffer ng free hosting kagaya ni Charlie Montemayor ng Ask Pinoy Bloggers, ayan ang chance, wag palagpasin, simple lang ang gusto nya, magcomment at siguraduhinng magugustuhan nya dahi ldoon nakasalalay ang pagkapanalo nyo. Wag pa petic petic, 6 months kang libre. Pasalamat tayo at bibigyan tayo ng chance para kumita lalo. Napakadaling magcommment.
Hi Charlie. Nabasa ko sa newsfeed mula sa FBW ang tungkol sa post na ito. Gusto kong sumali at magbakasaling mabiyayaan ng libreng hosting. Hindi malawak ang kaalaman ko sa pagba-blog pero sa unang buwan kumita ako ng Php500 mula sa banner advertising, at mahigit Php1,000 sa pagbebenta ng mga kagamitan. Sa pangalawang buwan, nabigyan naman kami ng “complimentary dinner”. Ang WordPress blog namin ay umani ng mahigit 12, 000 pageviews at ito’y 2 buwan pa lamang. Para sa isang baguhan masaya kaming mag-asawa sa resultang ito. Mag-asawa nga pala kaming bumuo ng blog na ito at magkatuwang na nagpapatakbo nito. Mayroon kaming ibang pinagkakakitaan kung kaya’t limitado lamang ang panahon na naibibigay namin sa blog na ito. Ganunpaman, ito ay mahalagang proyekto para sa amin sapagkat dito kami nakakakilala ng mga bagong kaibigan at nakakatulong sa iba sa maliit man na paraan.
Nais naming mag-asawa na gamiting tulay ang blog na ito para makatulong din sa iba. Mula sa blog na ito, tinutulungan namin ang isang bata na kasalukuyang nasa San Pedro hospital ,Davao City na ipinanganak ng 29 na linggo lamang at namatay ang kanyang ina. Mula sa isang post, may kabuuang humigit kumulang P12, 000 ang nalikom mula sa mga pledges ng mga sponsors na direktang nagdeposito sa bank account ng bata upang makatulong sa kanyang gastusin sa ospital.
Nais naming patunuyan sa aming sarili at sa mga kaibigan na maaring mag-umpisa ng isang negosyo at kumita ng walang puhunan mula sa blogging. Kung mapagbibigyan mo kami sa web hosting ay mababawasan ang aming kkailanganing capital upang maging .com ang aming WordPress blog at mapalawak pa ang maari naming gawin mula dito. Nais naming kumita mula sa adsense at affiliate marketing kung kaya’t inuumpisahan naming intindihan ang kalakaran sa paraang ito. Ang aming natututunan sa araw araw ay idinodukumento namin upang pagdating ng araw na maging regular ang kita ng blog at ibabahagi namin ang aming karanasan, kaalaman at mga natutunan sa proyektong ito upang sa ganun ay makatulong din kami sa mga kaibigan at mga kababayang nais kumita pangtustos sa araw2 na gastusin ng pamilya ngunit walang puhunan upang mag-umpisa ng negosyo. Sa paraang ito maibabahagi namin kung paano kumita sa pagba-blog sa loob lamang ng 6 na buwan ng walang puhunang pera.
salamat, Charlie. 🙂
Content that earns clicks and ranking, social media exposure at proper adsense placement, sure na kikita in 6 months
Title pa lang napakabigat na ng laman. Sa totoo lang hanggang ngayon, di parin ako Grammarian, di ako matalino sa pag english. pero ginagawa ko ang lahat para lang makapost ako. Marami akong mga ideya sa mga klaseng post at matagal na itong plano ko na magkaroon ng sariling site. at nagkaroon na nga ako sa halaga lang pala ng kalahating libo o P500. OMG.
Ako’y nasasayangan sa mga aking inaadminan na mga pages at Gropo sa Facebook at Forum kaya nag decide ako na magkaroo ng sariling site para magkakakita rin ako. i have 91 Admin Pages, 80+ Admin Groups kasali na doon ang Likers ko na group na 61, 000 members na gamit na gamit talaga. at sa forum naman na active din ako. kada comment ko po ay dinadala-dala ko po ang signature ko.
Marami talagang Opportunity paano magkakapera basta Magsipag ka lang at sabayan ng Dasal para sa pagpapalakas ng Loob.
Another Quality post Sir. 2 years na ako dito sa online marketing at totoo po yung sinasabi nyu na hindi ganun kadali at kabilis kumita sa blogging. I have my ups and down sa internet marketing pero exciting. May bago kang matutunan araw2x at ito rin ang dream job ko. I really want to work for myself kasi dun ko makikita kong anu talaga ang tunay na value ko.
Salamat sa post mo Sir!
napakagandang basahin, salamat sa patuloy na pagbibigay ng pag-asa sa mga manunulat
basa basa lang po ako,,isa ako sa nagnanais matoto ng blogging,,kaya lagi ako nagbabasa at naghahanap ng mga forums na makakatulong at mkakapagbigay sakin ng idea tungkol dito,,sana po matotunan ko rin ito,,,salamat at nakita ko rin tiong post mo sir…..
hi. ako poy bago sa larangan ng pagbablog. kakacreate ko lang po ng blogspot dahil sa isang imbitasyon na magpost ng kanilang link at banners para makacreate ako ng traffic in exchange of a commission for every traffic that i’l be making. nakapagcreate ako ng blogspot dahil n rin sa isang advice na magsearch ako sa google kung paano ako gawin ang bagay n iyon. kaya sinubukan ko. i am hoping n totoo ngang bbyaran ang effort ko dahil syempre umaasa din ako na magkakaroon nga ako ng extra income dahil dito. march 4 this year ko lang nacreate ang aking blogspot. sa ngayon nakacreate na ako ng traffic at meron n akong $18.2 sa account. sana totoo pa rin. hanggang ngayon di p rin magsink in sa akin ang katotohanan na pede pala talagang kumita dito sa blog ng legit at hindi bawal. sana lang ay hindi bawal yon mga pinost ko. sa madaling salita masasabi kong isa akong mangmang pa sa larangan ng internet lalo n sa blog, paggawa ng website o kung anuman. umaasa akong sa pagsisearch ko ay marami akong matututunan. gusto kong subukan ang bagay na ito at pagbubutihan ko nang sa gayon ay magkaroon din ako ng extra income at ng may pantustos sa araw-araw at maipagpatuloy ang pagtulong sa pamilya ng hindi nagigipit. gusto ko lang pong maibahagi ang aking karanasan dito kaya ako ay nakapagsulat sa blog na ito. God Bless.
Hi myap tanong ko lang po anong site yung ginamit mo sa paggawa ng blog mo ?
patulong naman sir, paano ba ma activate ubng google adsense ko sir eh pag gumagawa ako ng website sa blogspot eh ang naka lagay ay .blogspot.com pag nag sign up na ako sa google adsense sir dapat daw wala ng dot…nag send na ako sa kanila pero nagka aberya ung sinasubnit ko na website ito ung nagawa ko na website sir ernestkevinb.blogspot.com pero sa adsense hindi pwede may dot bago mag blogspot eh hindi pwede ma edit eh kasi nakalagay na sa kanila fill up form…
Sa pagkakaalam ko kahit pa mydomain.blogspot.com ang domain mo pwede mo iapply yan sa google adsense. nagsimula din ako sa .blogspot.com, inapply ko sya ng ganyan, ok naman..try mo uli pre baka may ibang problema lang sa application mo…
Tulad ngayon sa pagcomment mo dito. Imbes na url mo ang nilagay mo sa URL Field ng Comment Box, email address mo ang nilagay mo, mali talaga…ang url at email address ay magkaiba…eto ang url mo dapat ernestkevinb.blogspot.com.
i hope u can help me…THNX AND GOD BLESS
Gusto ko lang mag share ng experience nung una kong kita sa pag boblog. una sa lahat sa google adsense ako kumikita. Pero bago ko makuha ung una kong payout, inabot ako ng 2-3 years. Yes 2 to 3 years ang tagal diba? Ang gamit ko lang na platform ay blogger kasi parang hindi pa naman ako msyadong seryoso nun sa blogging. Nag try ako ng iba ibang topic para dumami ang traffic ko, halos umabot ata ng 20 to 30 blogs ang nagawa ko sa blogger pero after ng 2 to 3 years ko tuwang tuwa ako makuha ung una kong payout. naging, 1 year, naging 6 months, tapos naging 3 months. Ung 3 months na ang pinaka mababang time bago ako sumweldo ulit. pero hndi ko na kailangan mag reklamo dahil wala akong binabayaran sa host o domain, purely blogger.com lang talaga(.blogspot) Para saakin walang easy way to earn money talga sa blogging, patience and time lang talaga ang kailangan.
Gud day angelo pwede paguide ako on how to start in bloging ng libre na di mo kailangang magbayad para makapay out o kumita
Sa pagba-blog po, ang una at ang pinakamahalagang bagay ay “CONTENT”. Walang kwentang ang magandang design kung panis ang nilalaman po ng akda. Dapat yung may mapupulot ang mga readers, dahilan para bumalik silang palagi sa iyong site.
Mahalaga rin na mayroon kayong interaction sa inyong mga readers. Upang makapagbigay ng halimbawa, subukan niyo pong bisitahin ang post ko na ito: http://www.gayward-concepts.com/matutong-mamaluktot-kahit-mahaba-ang-kumot/
Sa loob ng ilang araw, ay halos 700 na tao ang nagla-like at nag-she-share nito sa facebook. Imagine ang traffic na kaya mong ma-produce kung meron ka nito.
Speaking of traffic, ito po ang mahalaga pagkatapos ng content. Ang tanong ay paano? Dito na papasok ang advertising ng inyong link. Usually, ang pagba-blog ay 20% creation, at 80% advertising. Kahit gaano pa kaganda ang artikulo mo kung wala namang nakakabasa, wala ring kwenta.
Hanggang dito na lamang muna ang tips na maibibigay ko po sa inyo. Bisita po kayo sa site ko minsan at ng makita ninyo kung paano. Salamat po
😉
–Green Stickman™
Katulad ng karamihan nag umpisa ako mag blog nung mga sinaunang wave pa lamang neto that was around 2008, hindi ko din hanggad na kumita sa pamamagitan neto dahil may negosyo nman ako.. Sinarado ko ang aking blog noong 2012 dahil free lang naman ito at nung una eh di ko lam na pedeng kumita ng malaki sa pagbblog. Adsense na kta ko before is $25 a month lang.
Pero sa totoo lang maari ka talagang kumita sa pag susulat ayon sa post ni charlie, may kumikita talaga ng $5000 a month o higit pa, pero kelangan mo talga dedikasyon at mahabang pasensya.
Para sa mga nag uumpisa mag blog, ang advice ko lang eh gumawa kayo ng isang blog na may target market or niche para sa gayon kahit anong pasukin nyong klaseng taktika para kumita eh mataas ang porsyento katulad ng affiliate marketing, advertisement o adsense.
Katulad ko ngayon gumawa ako ulet ng bagong website na ang target niche is Philippines or About Filipino The Filipino Trending Stories. Gayun pa man hindi ko masasabi na malaki ang kikitain ko dito sa ngayon, lalo na at wala naman masyadong Filipino ang bumibili sa Amazon.com kaya di ako makakapag affiliate marketing dito, ngunit kelangan lang mag focus para ma abot ang goal, hindi madali pero kayang kaya.
hi any bloggers here na pwede gumawa ng review for my products? and how much kung sakali thanks – 09173071808
Hi Brian,
Ma ka opis mate ako na nag rereview at nag popost sa Manila Channel. Kung gusto mo e try review nya, check mo lang sa link na ito: http://www.manilachannel.com/product-review-philippines/
Thanks for this post CM. My opinion is hindi realistic ang maghangad agad kumita sa pagbo-blog. Kailangan ng matibay na foundation at online presence. Kagaya ng maraming business, I treat mine as one. Kagandahan lang, oras lang ang puhunan at konting pera lang ang kailangan. Sa mga nag uumpisa pa lang, tyaga ang kailangan.
PANO PO BA NAMIN GAWIN NA UNG WEBSITE NAMIN AY MAPUNTA S GOOGLE AT NSA TAAS SYA.TNX
@Mabel SEO po ang kailangan, search engine optimization yan..marami pwede gawin para “sumikat sa google” ang blog mo..mag-comment sa ibang site gaya nito, ipost sa fb, join sa mga forums – basically ipagkalat mo ang post mo sa website mo ng tama.
Sumali po ako sa Google Adsense at ma-suwerte naman po akong na-accept sa kanilang program. Ngayon, naka-umpisa na po ako sa pag-blo-blog kaso nahihirapan akong kumuha ng traffic. Siguro sa aking kakayahan, hindi ko kaya ang 6 months para maging successfull. Siguro ay a-abutin ako ng isa o dalawang taon.
Hello elmo. Ano po website mo.? Tignan ko lang. 🙂
pwede po bang turuan nyo akong mag setup ng blogsite ko kasama na ang pagpili ng mura at quality website hosting and domain..
https://www.facebook.com/tata.nong.77
09497160726
Sali ka dito https://www.facebook.com/groups/AskPinoyBloggers/ at kontakin mo isa sa mga admins para maapprove ka kaagad..pag nakapasok ka, jan ka magtanong, maraming tutulong sayo jan…
Ako naman hindi talaga original na sakin. Nagshashare ako araw araw ng verses ng bible at quotations ng Christian leaders. Check it out!
I am also a novice in blogging and earning with it. I tried many niches and didn’t succeed , but just listen to your heart and do what you really love. Kung nahihirapan ka sa topic na ginawa mo then magbago. Trial and error lang mga tsong. Rock and roll to the world.
good day sir charlie..bago p lng aq s blogging since march this year..as of now may 19 posts n q at may 15,485 total page views at magsi-6 months na..May 2 lng po akong gustong ishare even though hndi p nman kumikita ung blog q..1. solve other people’s problem and make them happy 2. thru #1 drive more traffics to ur website..tnx for this post to remind me n dpat pang maging matiyaga s pagbuo ng aking blog..God bless!
Hi bago, palang din ako sa blogging mga 3 months old palang blog ko. Kelan kaya tamang mag apply sa AdSense. Kindly check my website http://www.inboracay.co/ thanks and God Bless to all pinoy bloggers
Ako po ay bago rin sa blog WordPress dahil ito ay free at walng bayad paano ko kaya ma ipapakita sa maraming tao ang blogpost ko sana po ay maturuan ako ng maga galing sa blog.
Hi! Can I apply Tagalog blog for Good AdSense or any affiliate marketing site? Thank you in advance.
@Dona Rose Layusa: Yes po. available Na po sa Adsense ang Filipino language
Salamat sa info… sana ngayon mas kumita na ng malaki ang aking OPM Songs blog at suportahan po natin ang musika na sariling atin. (Y)
salamat sa napakagandag article…marami po akong natutuhan…
Sana matulungan mo ko!!. Isang buwan nako sa pag bablog at ito ang site na na iblog co – mydream16blog.blogspot.com
At may adsense na din ako kaso hosted acount lng…
hindi ko po malagyan ng adsense ads ung blog cco di po sya nag didisplay!…:-( kailangan po ba talaga domain name ang website?…
At last in 11 months ko sa pag aaral kung panu ma approved sa Adsense Natupad narin. I am the admin of http://www.inboracay.co
first time ko lang sa blogger..paturo naman
meron akong blog tungkol sa movie reviews at every day meron na syang 0.01 sa adsense kahit blogspot lang. ang key lang ay tama ang keywords mo yung hinahanap talaga ng tao para makita sa google
Sa loob ng siyam na taon sa pagbablog. simula personal blog hanggang sa targeted topic masasabi ko na epektibo sa akin ang una at pangalawang paraan
I’m a newbie pagdating sa Blogging. Pero I highly agree sa #4, depende na lang talaga kung anong Affiliate Program. In my case P1,300 a month pwede na ‘sa ngayon. Planning to Implement #3 in the Next few months.
baka makatulong din po sa gustong matuto jrexeplorer
Thank you for sharing Sir! Malaking tulong po ito 🙂
ilang araw pa lang po ako.at hind pa ako marunong sadyang hilig ko lang na gumawa o magsulat ng mga nsa isip ko at ang nilalaman ng puso ko na hindi ko naman masabi kya sa pamamagitan ng mga gawa ko naishare ko po.meron po akong mga post na my nkalagay na sponsor $30 para dw dumami mga likes at follower ko.dhil hnd po sa baguhan pa ko natatakot nman ako kc po bka my mga bbayaran ako bka mademanda ko pg pero tlagang hilig ko gumawa at magshare ng mga nsa icp ko at galing sa puso ko.hnd ko nga po alam na pwede plang kumita sa pamamagitan ng hilig ko.wla pa po akong website hindi po ako marunong kung paano magkaroon ng website.Pero khit baguhan po ako gusto kung sagutin un tanong nyo na kung bibigyan ako ng pagkakataon na kumita sa loob ng anim na buwan ano ang gagawin ko?kung bibigyan ako ng pagkakataon na kumita Lalo kung pagiibayuhin ang kaalaman ko at mas higit kong pagtutuunan at bibigyan ng oras ang paggawa at pagsusulat…thank you po khit paano may nkuha akong idea sa inyo??God bless po sa inyo
Hello po.. Pahelp nmn po, nag start palang ako..
Salamat po.
Maraming salamat po sa info, malaking tulong po ito para lalo magporsegi sumulat ng mga nilalaman ng isip ko kahit pagod na sa kakaisip. thank you.
Hi, Ayaw pong tanggapin ng domain ko kapag nag apply ako sa Google adsense, tnry ko din sa Nuffnang, invalid url daw 🙁 here is my domain. https://ljvillanueva514631489.wordpress.com/
Antalino ng writer. Natuwa ako ^_^
Para sa isang katulad ko na nagpa-plano magstart na maging blogger, ok lang na hindi nasagot yung topic question kasi na-motivate ako at na-challenhe. Naisip ko “oo nga no, ano nga ba ang mga kaya kong gawin? At ano ang mga kailangan kong pang makita?”
Thank you Pinoy Bloggers
magandang araw po. gusto ko po snang matutunan ang pagiging blogger. yung tipo pong magcreate ng compilation pra po s mga research assignment ng mga student. for example po mga talambuhay ng mga bayani, presidente, et. al paano po ako mag-uumpisa. Gusto ko po ksing kumita at makatulong s pamilya ko at sa mga student na nagreresearch about their assignments. Hilig ko lng din po ang pagsusulat. Homebased mom here. salamat po s magreresponse.
Marami pong salamat sa insight =) Dahil ako po ay taong bahay naisipan kong mag blog ngunit kauumpisa ko pa lamang. Marami pa po akong hindi alam at nais kong matuto ng husto. kaya mga kapwa bloggers asahan ninyong bibisitahin ko ang inyong mga website. Tayo po ang magtulungan sa mundo ng blogging.
Pinoy blogger din po ako. Mag-iisang taon na rin ang blog ko at so far okay naman. Medyo nabawi na din ang capital(via Adsense) at may konting ROI na. Di nga lang kalakihan ang kita dahil mostly ay sa Asia galing ang traffic.
Madali lang ba ang pagmomonetize ng blogger.com or blogspot?
good morning po.ako po ay nagkakaroon ng interest sa pag blog ngayon .hindi dahi sa gusto kong kumita ..gusto ko lang na i express yung mga nangyayari sa kapaligiran ta makagawa ng mga blog na makkatulong at may mapupulot na aral sa arawa araw na pamumuhay ng tao..magisismula palang po ako i need your some guide and help when i get started.kaya salamat ssa mga sahrin comments ng mga naandito kasi nakakauha ako ng mga ideas pano magsimula
wala pa po akong website or blog gagagawa palang .
thank you
Guys newly pa LNG ako sa pay blog post plang ang alam ko pls, advice me how to make my blog more effective kahit hndi ako ganun ka galing sa any suggestion ay malaking tulong para ma nspire ako pagandahin pa ang Blog ko,
Guys visit my Blog! And Comment me how to make my blog More effective and Nice to visit!,
Check my Blog here _ bit.ly/2Zig2Mh
Hello
Ito yung hinahanap kung content as a new blogger na two weeks pa lang sa ganitong larangan marami akong natutunan. Salamat sa nagsulat niyo malaking tulong sa mga baguhang tulad ko.. God bless..
Hello po sa pagbblog po ba para maka attract ka ng traffic at makita sa search engine is dapat at least 1000 word ung post mo para sa content blog?