Sa WordPress, may mga themes na hindi mo na kailangan mag-edit ng code para lang mapalitan ang blog title mo ng isang image o logo, upload mo lang ung image using Theme Option, ok na. Pero may mga themes na kagaya ng gamit ng page na to, ang Twenty Twelve Theme na di basta-basta pwedeng mapalitan ang blog title na text ng isang image o logo. Kailangan may alam ka sa pag-edit ng code.
Paano mo nga ba magagawang palitan ng image ang blog title mo na text gaya ng imahe sa baba?
Simple lang, upload mo ang image mo sa wordpress Dashboard->Media->Add New mo then kunin mo ang link ng image. Next, punta ka sa Appearance->Editor then hanapin mo ung Header.Php sa bandang kanan. Click mo ang Header.Php para lumabas ang code na kailangan mong iedit.
Hanapin mo ang code na similar sa code na makikita sa baba;
<h1><a href=”<?php echo get_option(‘home’); ?>/”><?php bloginfo(‘name’); ?></a></h1>
At ito ang ipalit mo;
<span><a href=”<?php echo get_option(‘home’); ?>/”><img src=”[image url]” alt=”<?php bloginfo(‘description’); ?>” /></a></span>
Palitan mo lang ung [image url] ng link ng image mo, then save. Check mo ngayon page mo kung makikita mo na ung logo mo sa header ng blogsite mo.